-
1 Cronica 16:14-18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 Siya si Jehova na ating Diyos.+
Siya ang humahatol sa buong lupa.+
15 Alalahanin ninyo ang kaniyang tipan magpakailanman,
Ang ipinangako* niya, hanggang sa sanlibong henerasyon,+
16 Ang tipan niya kay Abraham,+
At ang panata niya kay Isaac,+
17 Na pinagtibay niya kay Jacob,+
At ibinigay niya bilang walang-hanggang tipan kay Israel.
18 Sinabi niya, ‘Ibibigay ko sa iyo ang lupain ng Canaan+
Bilang inyong mana.’+
-