-
Exodo 9:23-26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
23 Kaya itinaas ni Moises ang tungkod niya tungo sa langit, at si Jehova ay nagpakulog at nagpaulan ng yelo, at may apoy* na bumabagsak sa lupa, at patuloy na nagpaulan ng yelo si Jehova sa Ehipto. 24 Umulan ng yelo, at kasabay nito ay mayroon ding apoy.* Napakalakas nito; wala pang nangyaring katulad nito sa lupain mula nang maging isang bansa ang Ehipto.+ 25 At napinsala ng pag-ulan ng yelo ang lahat ng nasa parang sa buong Ehipto, mula sa tao hanggang sa hayop, at sinira nito ang lahat ng pananim at puno sa parang.+ 26 Sa lupain lang ng Gosen, na kinaroroonan ng mga Israelita, hindi umulan ng yelo.+
-