9 Sino ang magdadala sa akin sa lunsod na pinalibutan ng kaaway?
Sino ang aakay sa akin hanggang sa Edom?+
10 Hindi ba ikaw, O Diyos, na nagtakwil sa amin,
Ang Diyos namin na hindi na sumasama sa aming mga hukbo?+
11 Tulungan mo kami sa pagdurusa namin,
Dahil walang saysay na umasa sa pagliligtas ng tao.+
12 Bibigyan kami ng Diyos ng lakas,+
At tatapakan niya ang mga kaaway namin.+