Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 2:8, 9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  8 Hilingin mo sa akin, at ibibigay ko ang mga bansa bilang iyong mana

      At ang buong lupa bilang iyong pag-aari.+

       9 Babaliin mo sila gamit ang isang setrong bakal,+

      At dudurugin mo silang gaya ng isang palayok.”+

  • Awit 45:4, 5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  4 At sa karilagan mo ay humayo ka at magtagumpay;+

      Sakay ng iyong kabayo ay ipakipaglaban mo ang katotohanan at kapakumbabaan at katuwiran,+

      At ang kanang kamay mo ay makagagawa* ng kamangha-manghang mga bagay.

       5 Ang mga palaso mo ay matutulis at nagpapabagsak sa mga nasa harapan mo;+

      Tumatagos ang mga ito sa puso ng mga kaaway ng hari.+

  • Mateo 28:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Lumapit sa kanila si Jesus at sinabi niya: “Ang lahat ng awtoridad ay ibinigay na sa akin sa langit at sa lupa.+

  • Apocalipsis 6:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 At nakita ko ang isang puting kabayo,+ at ang nakaupo rito ay may pana; at isang korona ang ibinigay sa kaniya,+ at humayo siyang nagtatagumpay* at para lubusin ang pagtatagumpay niya.+

  • Apocalipsis 12:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 At nagsilang siya ng isang anak na lalaki,+ na magpapastol sa lahat ng bansa gamit ang isang panghampas na bakal.+ At ang anak niya ay inagaw at dinala sa Diyos na nakaupo sa trono.

  • Apocalipsis 19:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Nakita kong bumukas ang langit, at nakita ko ang isang puting kabayo.+ At ang nakasakay roon ay tinatawag na Tapat+ at Totoo,+ at siya ay humahatol at nakikipagdigma ayon sa katuwiran.+

  • Apocalipsis 19:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 At lumabas sa bibig niya ang isang matalas at mahabang espada+ na gagamitin niya para saktan ang mga bansa, at papastulan niya sila gamit ang isang panghampas na bakal.+ Tatapakan din niya ang mga ubas sa pisaan ng ubas ng galit ng poot ng Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share