-
1 Pedro 2:4-7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Sa paglapit ninyo sa kaniya, isang buháy na bato na itinakwil ng mga tao+ pero pinili at mahalaga sa Diyos,+ 5 kayo rin mismo bilang mga buháy na bato ay itinatayo bilang isang espirituwal na bahay+ para maging banal na mga saserdote, para maghandog ng espirituwal na mga haing+ kalugod-lugod sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Kristo.+ 6 Dahil sinasabi sa Kasulatan: “Tingnan ninyo! Maglalagay ako sa Sion ng isang batong pinili, ang pinakamahalagang batong pundasyon,* at walang sinumang nananampalataya rito ang mabibigo.”*+
7 Kaya mahalaga siya sa inyo, dahil nananampalataya kayo; pero sa mga hindi nananampalataya, “ang bato na itinakwil ng mga tagapagtayo+ ang naging pangunahing batong-panulok”*+
-