Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Samuel 24:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 At tingnan mo, ama ko, oo, tingnan mo ang laylayan ng iyong damit na walang manggas na nasa kamay ko; nang putulin ko ang laylayan ng iyong damit na walang manggas, hindi kita pinatay. Nakikita mo na ngayon at naiintindihan na wala akong intensiyong saktan ka o magrebelde sa iyo, at wala akong kasalanan sa iyo,+ pero hinahanap mo ako para patayin.+

  • 2 Samuel 22:21-25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Ginagantihan ni Jehova ang paggawa ko ng tama;+

      Ginagantimpalaan niya ako dahil malinis* ang aking mga kamay.+

      22 Dahil sinunod ko ang mga daan ni Jehova,

      At hindi ako gumawa ng masama, hindi ko iniwan ang aking Diyos.

      23 Ang lahat ng kahatulan* niya+ ay nasa harap ko;

      Hindi ako lilihis mula sa kaniyang mga kautusan.+

      24 Mananatili akong malinis*+ sa harap niya,

      At lalayo ako sa kasalanan.+

      25 Gantihan nawa ni Jehova ang paggawa ko ng tama,+

      Ang kalinisan* ko sa harap niya.+

  • Awit 24:3, 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  3 Sino ang makaaakyat sa bundok ni Jehova,+

      At sino ang makatatayo sa kaniyang banal na lugar?

       4 Ang sinumang walang-sala* at may dalisay na puso,+

      Na hindi nanunumpa ng kasinungalingan sa Aking pangalan*

      O nananata nang may panlilinlang.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share