-
1 Samuel 1:10, 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 Napakabigat ng kalooban ni Hana, at nagsimula siyang manalangin kay Jehova+ at umiyak nang labis-labis. 11 At nanata siya: “O Jehova ng mga hukbo, kung bibigyang-pansin mo ang pagdurusa ng iyong lingkod at aalalahanin mo ako, at hindi mo kalilimutan ang iyong lingkod at bibigyan mo ang iyong lingkod ng anak na lalaki,+ ibibigay ko siya kay Jehova sa lahat ng araw ng kaniyang buhay, at hindi siya puputulan ng buhok sa ulo.”+
-
-
2 Samuel 16:11, 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Sinabi pa ni David kay Abisai at sa lahat ng lingkod niya: “Kung ang sarili ko ngang anak na nanggaling mismo sa akin, gusto akong patayin,+ ano pa ang aasahan ninyo sa isang Benjaminita?+ Hayaan ninyo siyang sumpain ako, dahil iniutos iyon sa kaniya ni Jehova! 12 Baka sakaling makita ni Jehova ang paghihirap ko,+ at bigyan ako ni Jehova ng mga pagpapala sa halip na mga sumpa gaya ng isinisigaw sa akin ngayon.”+
-
-
Isaias 38:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Sulat ni Haring Hezekias ng Juda nang magkasakit siya at gumaling.
-