Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Samuel 23:26-28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 Nakarating si Saul sa isang panig ng bundok, at si David naman at ang mga tauhan niya ay nasa kabilang panig ng bundok. Nagmadali si David sa pagtakas+ mula kay Saul, pero si Saul at ang mga tauhan nito ay palapit nang palapit kay David at sa mga tauhan niya para hulihin sila.+ 27 Pero isang mensahero ang nagsabi kay Saul: “Bumalik kayo agad, dahil sinalakay ng mga Filisteo ang lupain!” 28 Tumigil si Saul sa paghabol kay David+ at bumalik para makipaglaban sa mga Filisteo. Kaya ang lugar na iyon ay tinawag na Malaking Bato ng Paghihiwalay.

  • 2 Samuel 17:21, 22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Pagkaalis ng mga lalaki, umahon sila sa balon at pumunta kay Haring David para magbalita. Sinabi nila sa kaniya: “Umalis kayo at tumawid agad sa ilog, dahil may ipinayo si Ahitopel na pakana laban sa inyo.”+ 22 Agad na umalis si David at ang lahat ng kasama niya at tumawid sila sa Jordan. Nang magbukang-liwayway, lahat sila ay nasa kabilang ibayo na ng Jordan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share