Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ezra 3:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 At salitan silang umawit+ ng papuri at pasasalamat kay Jehova, “dahil siya ay mabuti; ang kaniyang tapat na pag-ibig sa Israel ay walang hanggan.”+ Pagkatapos, ang buong bayan ay sumigaw ng papuri kay Jehova dahil natapos na ang pundasyon ng bahay ni Jehova.

  • Awit 106:47
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 47 Iligtas mo kami, O Jehova na aming Diyos,+

      At tipunin mo kami mula sa mga bansa+

      Para makapagpasalamat kami sa banal mong pangalan

      At magalak sa pagpuri sa iyo.+

  • Isaias 49:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Humiyaw ka sa kagalakan, O langit, at magsaya ka, O lupa.+

      Magsaya ang mga bundok at humiyaw sa kagalakan.+

      Dahil inaliw ni Jehova ang bayan niya,+

      At nagpapakita siya ng habag sa mga lingkod niyang nagdurusa.+

  • Jeremias 31:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Darating sila at hihiyaw sa kagalakan sa kaitaasan ng Sion,+

      At magniningning sila dahil sa kabutihan ni* Jehova,

      Dahil sa butil at bagong alak+ at langis,

      At dahil sa mga anak ng mga tupa at ng mga baka.+

      Magiging gaya sila ng isang hardin na laging nadidiligan,+

      At hindi na sila muling manghihina.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share