Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 38:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  4 Lampas-ulo na ang mga pagkakamali ko;+

      Gaya ng mabigat na pasan, hindi ko na kayang dalhin ang mga ito.

  • Awit 103:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Dahil alam na alam niya ang pagkakagawa sa atin;+

      Inaalaala niyang tayo ay alabok.+

  • Awit 143:1, 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 143 O Jehova, dinggin mo ang panalangin ko;+

      Pakinggan mo ang paghingi ko ng tulong.

      Ayon sa iyong katapatan at katuwiran,* sagutin mo ako.

       2 Huwag mong dalhin sa hukuman mo ang iyong lingkod;

      Dahil walang sinumang nabubuhay ang maaaring maging matuwid sa harap mo.+

  • Isaias 55:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  7 Iwan ng masama ang landas niya,+

      Alisin ng masama ang mga kaisipan niya;

      Manumbalik siya kay Jehova, na maaawa sa kaniya,+

      Sa ating Diyos, dahil magpapatawad siya nang lubusan.*+

  • Daniel 9:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 O Diyos ko, makinig ka sana! Idilat mo ang iyong mga mata at tingnan ang aming paghihirap at ang tiwangwang na lunsod na tinatawag sa iyong pangalan; nakikiusap kami sa iyo hindi dahil sa aming matuwid na mga gawa, kundi dahil napakamaawain mo.+

  • Roma 3:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Kaya walang sinuman* ang maipahahayag na matuwid sa harap niya sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan,+ dahil malinaw na ipinapakita sa atin ng kautusan na makasalanan tayo.+

  • Tito 3:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 (hindi dahil sa anumang matuwid na nagawa natin,+ kundi dahil sa kaniyang awa).+ Iniligtas niya tayo sa pamamagitan ng paglilinis* sa atin, kung kaya nagkaroon tayo ng bagong buhay,+ at sa pamamagitan ng banal na espiritu na ginamit niya para gawin tayong bago.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share