-
2 Cronica 6:41, 42Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
41 At ngayon, O Diyos na Jehova, magpunta ka sa iyong pahingahan,+ ikaw at ang Kaban ng iyong lakas. Madamtan nawa ng kaligtasan ang iyong mga saserdote, O Diyos na Jehova, at magsaya nawa sa iyong kabutihan ang mga tapat sa iyo.+ 42 O Diyos na Jehova, huwag mong itakwil ang iyong pinili.*+ Alalahanin mo nawa ang iyong tapat na pag-ibig sa lingkod mong si David.”+
-