Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Hari 8:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 At ngayon, O Jehova na Diyos ng Israel, tuparin mo ang ipinangako mo sa lingkod mong si David na aking ama nang sabihin mo: ‘Sa angkan mo manggagaling ang lahat ng uupo sa harap ko sa trono ng Israel kung magiging palaisip ang mga anak mo sa pamumuhay nila sa pamamagitan ng paglakad sa daan ko, gaya ng ginawa mo.’+

  • Awit 89:3, 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  3 “Nakipagtipan ako sa pinili ko;+

      Sumumpa ako sa lingkod kong si David:+

       4 ‘Pananatilihin ko ang iyong mga supling*+ magpakailanman,

      At gagawin kong matatag ang trono mo sa lahat ng henerasyon.’”+ (Selah)

  • Awit 89:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Natagpuan ko ang lingkod kong si David;+

      Pinahiran ko siya ng aking banal na langis.+

  • Awit 89:36
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 36 Ang supling* niya ay mananatili magpakailanman;+

      Mananatili ang trono niya sa harap ko gaya ng araw.+

  • Isaias 9:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  7 Ang paglawak ng pamamahala* niya

      At ang kapayapaan ay hindi magwawakas+

      Sa trono ni David+ at sa kaniyang kaharian

      Para itatag ito nang matibay+ at panatilihin

      Sa pamamagitan ng katarungan+ at katuwiran,+

      Ngayon at magpakailanman.

      Mangyayari ito dahil sa sigasig ni Jehova ng mga hukbo.

  • Jeremias 33:20, 21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Kung masisira ninyo ang tipan ko sa araw at ang tipan ko sa gabi, para hadlangan ang pagdating ng araw at gabi sa takdang panahon nito,+ 21 saka lang masisira ang tipan ko sa lingkod kong si David+ at hindi siya magkakaroon ng anak na lalaki na mamamahala bilang hari sa trono niya,+ at ganoon din may kinalaman sa tipan ko sa mga saserdoteng Levita, na mga lingkod ko.+

  • Mateo 9:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Pag-alis ni Jesus doon, dalawang lalaking bulag+ ang sumunod sa kaniya. Sumisigaw sila: “Maawa ka sa amin, Anak ni David!”

  • Lucas 1:69
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 69 At binigyan niya tayo ng isang makapangyarihang tagapagligtas*+ mula sa sambahayan ni David na kaniyang lingkod,+

  • Gawa 2:30, 31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 Isa siyang propeta at alam niya na ang Diyos ay nangako* sa kaniya na isa sa mga supling* niya ang uupo sa kaniyang trono,+ 31 kaya nalaman niya nang patiuna ang pagkabuhay-muli ng Kristo at nagsalita siya tungkol dito, na ang Kristo ay hindi pababayaan sa Libingan* at hindi mabubulok ang katawan nito.+

  • Gawa 13:22, 23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Inalis siya ng Diyos at pinili si David bilang hari nila.+ Nagpatotoo siya tungkol dito, at sinabi niya: ‘Natagpuan ko si David na anak ni Jesse,+ isang lalaking kalugod-lugod sa puso ko;+ gagawin niya ang lahat ng gusto ko.’ 23 Gaya ng ipinangako ng Diyos, mula sa supling* ng taong ito ay nagbigay siya sa Israel ng isang tagapagligtas, si Jesus.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share