Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 7:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Ginawa agad nina Moises at Aaron ang iniutos ni Jehova. Itinaas ni Aaron ang tungkod at hinampas ang tubig ng Ilog Nilo sa harap ng Paraon at ng mga lingkod nito, at naging dugo ang tubig sa ilog.+

  • Exodo 8:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Kaya iniunat ni Aaron ang kamay niya sa ibabaw ng tubig ng Ehipto, at umahon ang mga palaka at napuno nito ang Ehipto.

  • Exodo 8:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 At ginawa nila ito. Iniunat ni Aaron ang kamay niyang may hawak na tungkod at hinampas ang alabok ng lupa, at nagkaroon ng mga niknik na sumalakay sa mga tao at hayop. Ang lahat ng alabok ng lupa ay naging mga niknik sa buong Ehipto.+

  • Exodo 9:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Ginawa nga ito ni Jehova kinabukasan, at namatay ang lahat ng uri ng alagang hayop ng Ehipto,+ pero walang isa mang namatay sa mga alagang hayop ng Israel.

  • Exodo 9:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Kaya kumuha sila ng abo sa pugon at tumayo sa harap ng Paraon, at isinaboy iyon ni Moises sa hangin, at iyon ay naging nagnanaknak na mga pigsa sa mga tao at hayop.

  • Exodo 9:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Kaya itinaas ni Moises ang tungkod niya tungo sa langit, at si Jehova ay nagpakulog at nagpaulan ng yelo, at may apoy* na bumabagsak sa lupa, at patuloy na nagpaulan ng yelo si Jehova sa Ehipto.

  • Exodo 10:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Sinabi ngayon ni Jehova kay Moises: “Iunat mo ang kamay mo sa lupain ng Ehipto para sumalakay ang mga balang sa Ehipto at ubusin nito ang pananim, ang lahat ng natira matapos umulan ng yelo.”

  • Exodo 10:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Pagkatapos, sinabi ni Jehova kay Moises: “Iunat mo ang kamay mo tungo sa langit para mabalot ng dilim ang lupain ng Ehipto, at talagang magiging napakadilim.”*

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share