Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jeremias 49:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Para sa Edom, ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo:

      “Wala na bang karunungan sa Teman?+

      Wala na bang mabuting payo ang mga may unawa?

      Nabulok na ba ang karunungan nila?

  • Panaghoy 4:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Ang parusa sa pagkakamali mo, O anak na babae ng Sion, ay natapos na.

      Hindi ka na niya muling ipatatapon.+

      Pero ibabaling niya ang kaniyang pansin sa pagkakamali mo, O anak na babae ng Edom.

      Ilalantad niya ang mga kasalanan mo.+

  • Ezekiel 25:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Naghiganti ang Edom sa sambahayan ng Juda, at nakagawa sila ng malaking pagkakasala dahil dito;+

  • Obadias 10-13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Dahil sa karahasang ginawa sa kapatid mong si Jacob,+

      Mababalot ka ng kahihiyan,+

      At maglalaho ka magpakailanman.+

      11 Nang araw na tumayo ka lang at nanood,

      Nang araw na bihagin ng mga estranghero ang hukbo niya,+

      Nang pasukin ng mga dayuhan ang kaniyang pintuang-daan at pagpalabunutan+ ang Jerusalem,

      Naging gaya ka nila.

      12 Hindi ka dapat nagsaya nang may masamang nangyari sa kapatid mo,+

      Hindi ka dapat nagdiwang nang mapahamak ang bayan ng Juda,+

      At hindi ka dapat nagyabang nang magdusa sila.

      13 Hindi ka dapat pumasok sa pintuang-daan ng aking bayan sa araw ng kanilang kapahamakan,+

      Hindi ka dapat nagsaya nang magdusa siya sa araw ng kaniyang kapahamakan,

      At hindi ka dapat kumuha ng kaniyang yaman sa araw ng kaniyang kapahamakan.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share