Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Samuel 16:6, 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Nang dumating sila, nakita niya si Eliab+ at sinabi niya: “Siguradong ito ang pinili* ni Jehova.” 7 Pero sinabi ni Jehova kay Samuel: “Huwag kang tumingin sa hitsura niya at kung gaano siya katangkad;+ hindi ko siya pinili. Dahil ang pagtingin ng tao ay hindi gaya ng pagtingin ng Diyos. Ang tao ay tumitingin sa panlabas na anyo,* pero si Jehova ay tumitingin sa puso.”+

  • 1 Cronica 28:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 “At ikaw, anak kong Solomon, kilalanin mo ang Diyos ng iyong ama at maglingkod ka sa kaniya nang buong puso+ at may kagalakan,* dahil sinusuri ni Jehova ang lahat ng puso,+ at nalalaman niya ang takbo ng pag-iisip ng bawat isa.+ Kung hahanapin mo siya, hahayaan niyang makita mo siya,+ pero kung iiwan mo siya, itatakwil ka niya magpakailanman.+

  • Awit 17:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  3 Sinuri mo ang puso ko, sinuri mo ako sa gabi;+

      Dinalisay mo ako;+

      Makikita mong hindi ako nagplano ng anumang masama,

      At ang bibig ko ay hindi nagkasala.

  • Awit 139:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Siyasatin mo ako, O Diyos, at alamin mo ang laman ng puso ko.+

      Suriin mo ako, at alamin mo ang mga ikinababahala* ko.+

  • Jeremias 20:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Pero ikaw, O Jehova ng mga hukbo, ang sumusuri sa matuwid;

      Nakikita mo ang kaloob-looban ng isip* at ang puso.+

      Ipakita mo sa akin ang paghihiganti mo sa kanila,+

      Dahil sa iyo ko ipinagkatiwala ang kaso ko.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share