Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Lucas 1:9, 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 siya ang napiling pumasok sa templo ni Jehova*+ para maghandog ng insenso,+ ayon sa matagal nang kaugalian ng mga saserdote. 10 Nang oras na iyon ng paghahandog ng insenso, nananalangin ang lahat ng tao sa labas.

  • Apocalipsis 5:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Nang kunin niya ang balumbon, ang apat na buháy na nilalang at ang 24 na matatanda+ ay sumubsob sa harap ng Kordero, at ang bawat isa ay may alpa at mga gintong mangkok na punô ng insenso. (Ang insenso ay sumasagisag sa mga panalangin ng mga banal.)+

  • Apocalipsis 8:3, 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Isa pang anghel, na may hawak na gintong lalagyan* ng insenso, ang dumating at tumayo sa may altar,+ at binigyan siya ng maraming insenso+ para ihandog iyon kasama ng mga panalangin ng lahat ng banal sa gintong altar+ na nasa harap ng trono. 4 At ang usok ng insenso mula sa kamay ng anghel ay pumailanlang kasama ng mga panalangin+ ng mga banal sa harap ng Diyos.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share