Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 18:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 Sa kagipitan ay tumawag ako kay Jehova,

      Patuloy akong humihingi ng tulong sa aking Diyos.

      Mula sa kaniyang templo ay narinig niya ang tinig ko,+

      At narinig niya ang paghingi ko sa kaniya ng tulong.+

  • Jonas 2:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  7 Nang malapit na akong mamatay, si Jehova ang naalaala ko.+

      At nakarating ang panalangin ko sa iyo, sa loob ng iyong banal na templo.+

  • Mateo 26:38, 39
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 38 Pagkatapos, sinabi niya sa kanila: “Sukdulan* ang kalungkutang nararamdaman ko. Dito lang kayo at patuloy na magbantay kasama ko.”+ 39 Matapos lumayo nang kaunti, sumubsob siya sa lupa at nanalangin:+ “Ama ko, kung maaari, alisin mo sa akin ang kopang ito.+ Pero mangyari nawa, hindi ang kalooban ko, kundi ang kalooban mo.”+

  • Marcos 15:34
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 34 At nang ikasiyam na oras na ay sumigaw si Jesus nang malakas: “Eli, Eli, lama sabaktani?” na kapag isinalin ay nangangahulugang “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”+

  • Hebreo 5:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Noong nabubuhay siya sa lupa,* nagsusumamo at nakikiusap si Kristo nang may paghiyaw at mga luha+ sa Isa na may kakayahang magligtas sa kaniya sa kamatayan, at pinakinggan siya dahil sa kaniyang makadiyos na takot.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share