Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 20:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 At sinabi sa kaniya ng tunay na Diyos sa panaginip: “Alam ko na malinis ang konsensiya mo nang gawin mo ito, kaya pinigilan kita na magkasala sa akin. Iyan ang dahilan kung bakit hindi kita pinahintulutang galawin siya.

  • Deuteronomio 17:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Dapat mamatay ang taong magiging pangahas at hindi makikinig sa hukom o sa saserdoteng naglilingkod sa Diyos ninyong si Jehova.+ Dapat ninyong alisin ang kasamaan sa Israel.+

  • 1 Samuel 15:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 dahil ang pagrerebelde+ ay katulad ng kasalanan na panghuhula,+ at ang kapangahasan ay katulad ng paggamit ng kapangyarihan ng mahika at idolatriya.* Dahil itinakwil mo ang salita ni Jehova,+ itinatakwil ka niya mula sa pagiging hari.”+

  • 2 Samuel 6:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Dahil dito, lumagablab ang galit ni Jehova kay Uzah, at pinabagsak siya roon ng tunay na Diyos+ dahil sa ginawa niyang kawalang-galang,+ at namatay siya roon sa tabi ng Kaban ng tunay na Diyos.

  • 2 Cronica 26:16-18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Pero nang makapangyarihan na siya, naging mapagmataas siya at ito ang nagpahamak sa kaniya. Hindi siya naging tapat sa Diyos niyang si Jehova nang pumasok siya sa templo ni Jehova para magsunog ng insenso sa altar ng insenso.+ 17 Agad siyang sinundan ng saserdoteng si Azarias at ng 80 iba pang magigiting na saserdote ni Jehova. 18 Hinarap nila si Haring Uzias at sinabi sa kaniya: “Uzias, hindi ikaw ang dapat magsunog ng insenso para kay Jehova!+ Mga saserdote lang ang dapat magsunog ng insenso, dahil sila ang mga inapo ni Aaron,+ ang mga pinabanal. Lumabas ka sa santuwaryo dahil hindi ka naging tapat, at hindi ka tatanggap ng kaluwalhatian mula sa Diyos na Jehova sa ginawa mo.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share