Awit 36:9 Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan 9 Nasa iyo ang bukal ng buhay;+Sa pamamagitan ng liwanag mo ay nakakakita kami ng liwanag.+ Awit 43:3 Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan 3 Isugo mo ang iyong liwanag at ang iyong katotohanan.+ Akayin nawa ako ng mga ito;+Gabayan nawa ako ng mga ito papunta sa iyong banal na bundok at sa iyong maringal na tabernakulo.+ Awit 119:105 Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan 105 Ang salita mo ay lampara sa aking paa,At liwanag sa aking landas.+
3 Isugo mo ang iyong liwanag at ang iyong katotohanan.+ Akayin nawa ako ng mga ito;+Gabayan nawa ako ng mga ito papunta sa iyong banal na bundok at sa iyong maringal na tabernakulo.+