Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Hari 7:6, 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Bago nito, nagparinig si Jehova sa kampo ng mga Siryano ng ingay ng mga karwaheng pandigma at mga kabayo, ng ingay ng isang malaking hukbo.+ Kaya sinabi ng mga ito sa isa’t isa: “Binayaran ng hari ng Israel ang mga hari ng mga Hiteo at ang mga hari ng Ehipto para salakayin tayo!” 7 Tumakas agad ang mga ito nang gabing iyon at basta na lang iniwan ang kanilang mga tolda, kabayo, asno, at ang buong kampo para iligtas ang buhay* nila.

  • Awit 20:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  7 Ang ilan ay nagtitiwala sa mga karwahe,* at ang iba ay sa mga kabayo,+

      Pero kami ay tumatawag sa pangalan ni Jehova na aming Diyos.+

  • Kawikaan 21:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 Inihahanda ang kabayo para sa araw ng labanan,+

      Pero ang kaligtasan ay mula kay Jehova.+

  • Isaias 31:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 Kaawa-awa ang mga pumupunta sa Ehipto para magpatulong,+

      Ang mga umaasa sa mga kabayo,+

      Ang mga nagtitiwala sa mga karwaheng pandigma dahil marami ang mga ito

      At sa mga kabayong pandigma* dahil malalakas ang mga ito.

      Hindi sila umaasa sa Banal ng Israel,

      At hindi nila hinahanap si Jehova.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share