35 Nang gabing iyon, pinatay ng anghel ni Jehova ang 185,000 sundalo sa kampo ng mga Asiryano.+ Paggising ng mga tao kinaumagahan, nakita nila ang lahat ng bangkay.+
22 Isinugo ng aking Diyos ang anghel niya at itinikom ang bibig ng mga leon,+ kaya hindi ako sinaktan ng mga ito,+ dahil wala akong kasalanan sa harap niya; at wala rin akong ginawang masama sa iyo, O hari.”
18 Hinuli nila ang mga apostol at ibinilanggo.+19 Pero kinagabihan, binuksan ng anghel ni Jehova* ang mga pinto ng bilangguan,+ inilabas sila, at sinabi:
11 Natauhan si Pedro, at sinabi niya: “Sigurado na ako ngayon na isinugo ni Jehova* ang anghel niya para iligtas ako mula sa kamay ni Herodes at sa lahat ng gustong mangyari ng mga Judio.”+