Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Samuel 19:4, 5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 At pinuri ni Jonatan si David+ sa ama niyang si Saul. Sinabi niya: “Hindi dapat gumawa ng masama* ang hari sa lingkod niyang si David, dahil hindi naman siya nagkasala sa iyo at nakinabang ka sa mga ginawa niya. 5 Isinapanganib niya ang buhay niya para mapatay ang Filisteo,+ at binigyan ni Jehova ng malaking tagumpay* ang buong Israel. Nakita mo iyon, at nagsaya ka. Kaya bakit mo papatayin si David nang walang dahilan? Bakit mo gagawan ng masama ang isang taong walang kasalanan?”+

  • 1 Samuel 20:33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 33 Dahil dito, sinibat siya ni Saul,+ kaya nakita ni Jonatan na gusto talagang patayin ng kaniyang ama si David.+

  • Jeremias 18:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Dapat bang gantihan ng masama ang mabuti?

      Humukay sila ng libingan para sa akin.+

      Alalahanin mo na humarap ako sa iyo para magsalita ng mabuti tungkol sa kanila,

      Para mawala ang galit mo sa kanila.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share