-
Esther 6:11, 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Kaya kinuha ni Haman ang damit at ang kabayo, at binihisan niya si Mardokeo+ at inilibot sa liwasan ng lunsod sakay ng kabayo. Sumisigaw si Haman sa unahan ni Mardokeo: “Ganito ang ginagawa sa lalaking gustong parangalan ng hari!” 12 Pagkatapos, bumalik si Mardokeo sa pintuang-daan ng palasyo, pero si Haman ay nagmamadaling umuwi sa bahay niya, na lumong-lumo at may takip sa ulo.
-