Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kawikaan 13:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  4 Naghahangad ang tamad pero wala siyang nakukuha,+

      Pero ang masipag ay talagang masisiyahan.*+

  • Kawikaan 20:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  4 Ang tamad ay hindi nag-aararo sa taglamig,

      Kaya mamamalimos siya sa panahon ng pag-aani dahil walang-wala siya.*+

  • Kawikaan 24:30-34
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 Dumaan ako sa tabi ng bukid ng taong tamad,+

      Sa tabi ng ubasan ng taong kulang sa unawa.*

      31 Nakita kong tinubuan na ito ng panirang-damo;

      Natabunan ito ng matitinik na halaman,

      At giba ang batong pader nito.+

      32 Nakita ko ito at isinapuso;

      Nakita ko ito at natutuhan ang aral na ito:*

      33 Kaunti pang tulog, kaunti pang idlip,

      Kaunti pang paghahalukipkip para magpahinga,

      34 At biglang darating sa iyo ang kahirapan na parang magnanakaw,

      At ang kakapusan na parang armadong lalaki.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share