-
Roma 1:20, 21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
20 Ang kaniyang di-nakikitang mga katangian ay malinaw na nakikita mula pa nang lalangin* ang mundo, dahil ang mga ito, ang kaniyang walang-hanggang kapangyarihan+ at pagka-Diyos,+ ay nakikita sa mga bagay na ginawa niya,+ kaya wala silang maidadahilan. 21 Dahil kahit nakilala nila ang Diyos, hindi nila siya niluwalhati bilang Diyos o pinasalamatan man siya, kundi naging walang saysay ang mga pangangatuwiran nila at nawalan ng pang-unawa ang mangmang nilang puso.+
-