-
Ruth 1:16, 17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Pero sinabi ni Ruth: “Huwag ninyong hilingin sa akin na iwan kayo at hayaan kayong mag-isa; dahil kung saan kayo pupunta, doon ako pupunta; at kung saan kayo magpapalipas ng gabi, doon ako magpapalipas ng gabi. Ang inyong bayan ay magiging aking bayan, at ang inyong Diyos ay aking Diyos.+ 17 Kung saan kayo mamamatay, doon ako mamamatay at ililibing. Bigyan nawa ako ni Jehova ng mabigat na parusa kung hahayaan kong paghiwalayin tayo ng anumang bagay maliban sa kamatayan.”
-