-
2 Samuel 15:2-4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Si Absalom ay bumabangon nang maaga at tumatayo sa tabi ng daan papunta sa pintuang-daan ng lunsod.+ Kapag may dumadaan doon na may idudulog na kaso sa hari,+ tinatawag ito ni Absalom at sinasabi niya rito: “Tagasaang lunsod ka?” Sinasabi naman nito: “Ang iyong lingkod ay mula sa isa sa mga tribo ng Israel.” 3 Sinasabi ni Absalom sa kaniya: “Nasa katuwiran ka, pero walang kinatawan ang hari para duminig sa kaso mo.” 4 Sinasabi pa ni Absalom: “Kung maaatasan lang sana akong hukom sa lupain! Makalalapit sa akin ang bawat taong may idudulog na kaso o usapin, at titiyakin kong mabibigyan siya ng katarungan.”
-