-
Daniel 5:23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
23 Sa halip, nagrebelde ka sa Panginoon ng langit,+ at ipinakuha mo ang mga sisidlang nasa kaniyang bahay.+ At uminom kayo ng alak sa mga iyon, ikaw, ang iyong mga opisyal, mga pangalawahing asawa, at iba pang asawa, at pinuri ninyo ang mga diyos na gawa sa pilak, ginto, tanso, bakal, kahoy, at bato—mga diyos na hindi nakakakita, nakaririnig, o nakaaalam ng anuman.+ Pero hindi mo niluwalhati ang Diyos na nagbibigay sa iyo ng hininga ng buhay+ at may kapangyarihan sa iyong buong pamumuhay.
-
-
Gawa 12:21-23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
21 Sa isang espesyal na araw, nagsuot si Herodes ng magarbong kasuotan at umupo sa luklukan ng paghatol at nagtalumpati sa harap ng mga tao. 22 At sumigaw ang nagkakatipong mga tao: “Tinig ng isang diyos, at hindi ng tao!” 23 Agad siyang sinaktan ng anghel ni Jehova,* dahil hindi niya ibinigay sa Diyos ang kaluwalhatian, at kinain siya ng mga uod at namatay.
-