Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 9:20, 21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 At sinimulan ni Noe na sakahin ang lupa, at nagtanim siya ng mga ubas. 21 Nang uminom siya ng alak, nalasing siya at naghubad sa loob ng tolda niya.

  • Kawikaan 23:29-35
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Sino ang may problema? Sino ang di-mapakali?

      Sino ang nakikipagtalo? Sino ang may reklamo?

      Sino ang may mga sugat nang walang dahilan? Sino ang may mapupulang mata?*

      30 Ang mga taong nagbababad sa pag-inom ng alak,+

      Ang mga naghahanap* ng tinimplahang alak.

      31 Huwag kang tumingin sa mapulang kulay ng alak;

      Kumikislap ito sa baso at humahagod nang suwabe,

      32 Pero sa huli ay nanunuklaw itong gaya ng ahas

      At naglalabas ng lason na gaya ng ulupong.

      33 Kung ano-ano ang makikita ng mga mata mo,

      At sasabihin mo ang masasamang bagay na nasa puso mo.+

      34 At para bang nakahiga ka sa gitna ng dagat,

      Parang nakahiga sa may tuktok ng layag.*

      35 Sasabihin mo: “Pinalo nila ako, pero hindi ko naramdaman.*

      Hinampas nila ako, pero hindi ko namalayan.

      Kailan ako magigising?+

      Gusto ko pang uminom.”*

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share