Awit 45:2 Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan 2 Ikaw ang pinakamakisig sa mga anak ng tao. Kahali-halina ang mga salitang lumalabas sa mga labi mo.+ Kaya ang pagpapala sa iyo ng Diyos ay magpakailanman.+ Kawikaan 16:13 Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan 13 Kalugod-lugod sa mga hari ang matuwid na pananalita. Mahal nila ang mga nagsasabi ng totoo.+ Mateo 5:8 Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan 8 “Maligaya ang mga malinis ang puso,+ dahil makikita nila ang Diyos.
2 Ikaw ang pinakamakisig sa mga anak ng tao. Kahali-halina ang mga salitang lumalabas sa mga labi mo.+ Kaya ang pagpapala sa iyo ng Diyos ay magpakailanman.+