-
Kawikaan 6:1-3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 Anak ko, kung ginarantiyahan mo ang kapuwa mo,*+
Kung nakipagkamay* ka sa isang estranghero,+
2 Kung nabitag ka ng sarili mong pangako
At nasilo ng pananalita ng iyong bibig,+
3 Gawin mo ito, anak ko, para makalaya ka,
Dahil nahulog ka sa kamay ng iyong kapuwa:
Magpakumbaba ka at magmakaawa agad sa iyong kapuwa.+
-