-
2 Samuel 20:9, 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Sinabi ni Joab kay Amasa: “Kumusta ka, kapatid ko?” Pagkatapos, gamit ang kanang kamay, hinawakan ni Joab ang balbas ni Amasa na para bang hahalikan ito. 10 Hindi nag-ingat si Amasa sa espada na nasa kamay ni Joab, at sinaksak siya ni Joab sa tiyan,+ at lumuwa ang mga bituka niya sa lupa. Hindi na nito kinailangan pang saksakin siyang muli; sapat na ang isang beses para patayin siya. Pagkatapos, hinabol ni Joab at ng kapatid niyang si Abisai si Sheba na anak ni Bicri.
-