-
Eclesiastes 2:4-8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Gumawa ako ng malalaking proyekto.+ Nagtayo ako ng maraming bahay para sa sarili ko;+ gumawa ako ng mga ubasan para sa sarili ko.+ 5 Gumawa ako ng mga hardin at parke para sa sarili ko, at tinamnan ko ang mga iyon ng iba’t ibang klase ng punong namumunga. 6 Gumawa ako ng mga imbakan ng tubig para sa sarili ko para madiligan ang taniman* ng lumalagong mga puno. 7 Nagkaroon ako ng mga aliping lalaki at babae,+ at may mga alipin ako na sa sambahayan ko na ipinanganak.* Nagkaroon din ako ng napakaraming alagang hayop—mga baka, tupa, at kambing+—mas marami kaysa sa lahat ng nauna sa akin sa Jerusalem. 8 Nagtipon ako ng pilak at ginto para sa sarili ko,+ ang mga kayamanan ng mga hari at ng* mga nasasakupan nilang distrito.+ Nagtipon ako ng mga lalaki at babaeng mang-aawit para sa sarili ko, pati na ng nagpapasaya nang husto sa mga anak na lalaki ng tao—babae, oo, maraming babae.
-