-
Awit ni Solomon 4:1-3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 “Napakaganda mo, mahal ko.
Napakaganda mo.
Ang mga mata mo sa loob ng iyong belo ay gaya ng sa mga kalapati.
Ang buhok mo ay gaya ng kawan ng kambing
Na bumababa mula sa mga bundok ng Gilead.+
2 Ang iyong mga ngipin ay gaya ng kawan ng tupa
Na bagong gupit at bagong ligo;
Lahat ay may kakambal
At walang isa man ang nawawala.
3 Ang mga labi mo ay gaya ng pulang sinulid,
At kaakit-akit ang iyong pananalita.
-