12 Iniwan nila si Jehova, ang Diyos ng kanilang mga ama at ang naglabas sa kanila sa lupain ng Ehipto.+ At sumunod sila sa ibang mga diyos, ang mga diyos ng mga bayan na nasa palibot nila,+ at yumukod sa mga iyon at ginalit si Jehova.+
14 Kaya lumagablab ang galit ni Jehova sa Israel, at ibinigay niya sila sa mga mandarambong at sinamsaman sila ng mga ito.+ Ibinigay* niya sila sa kamay ng mga kaaway sa palibot nila,+ at hindi na nila kayang labanan ang mga kaaway nila.+
6 Dinudurog ng isang bansa ang isa pang bansa at ng isang lunsod ang isa pang lunsod, dahil hinahayaan sila ng Diyos na magkagulo at dumanas ng iba’t ibang uri ng paghihirap.+