-
Exodo 20:4, 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 “Huwag kang gagawa para sa iyo ng inukit na imahen o ng anyo na katulad ng anumang nasa langit o nasa lupa o nasa tubig.+ 5 Huwag kang yuyukod sa mga iyon o matutuksong maglingkod sa mga iyon,+ dahil akong si Jehova na iyong Diyos ay Diyos na humihiling ng bukod-tanging debosyon,*+ nagpaparusa sa mga anak dahil sa kasalanan ng mga ama, hanggang sa ikatlo at ikaapat na henerasyon ng mga napopoot sa akin,
-
-
Levitico 26:1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
26 “‘Huwag kayong gagawa ng walang-silbing mga diyos para sa inyong sarili,+ at huwag kayong gagawa ng inukit na imahen+ o magtatayo ng sagradong haligi para sa inyong sarili, at huwag kayong maglalagay ng isang batong rebulto+ sa inyong lupain para yumukod dito;+ dahil ako ang Diyos ninyong si Jehova.
-
-
Habakuk 2:18, 19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 Ano ang silbi ng inukit na imahen
Kapag naukit na ito ng gumawa nito?
Ano ang silbi ng metal na estatuwa at ng nagtuturo ng kasinungalingan,
Kahit nagtitiwala rito ang maygawa nito,
Na gumagawa ng mga diyos na pipi at walang silbi?+
19 Kaawa-awa ang nagsasabi sa isang piraso ng kahoy, “Gumising ka!”
O sa isang batong di-nakapagsasalita, “Gising! Turuan mo kami!”
-