Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Esther 8:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 At sa lahat ng distrito at lunsod, saanman nakarating ang utos at batas ng hari, nagsaya at nagdiwang ang mga Judio. Nagdaos sila ng mga handaan. Maraming tao ang nagsasabing Judio sila,+ dahil natatakot sila sa mga Judio.

  • Isaias 14:1, 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Dahil maaawa si Jehova sa Jacob,+ at muli niyang pipiliin ang Israel.+ Patitirahin* niya sila sa kanilang lupain,+ at ang mga dayuhan ay sasama sa kanila at makikiisa sa sambahayan ni Jacob.+ 2 At dadalhin sila ng mga bayan sa sarili nilang lugar, at ang mga ito ay magiging pag-aari ng sambahayan ng Israel bilang kanilang mga aliping lalaki at babae+ sa lupain ni Jehova; bibihagin nila ang mga bumihag sa kanila at pamumunuan ang mga dating nagpapatrabaho sa kanila nang sapilitan.

  • Isaias 49:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Ang mga hari ay magiging tagapag-alaga mo,+

      At ang mga prinsesa nila ay maglilingkod sa iyo.*

      Yuyukod sila at susubsob sa harap mo+

      At hihimurin ang alikabok sa iyong mga paa,+

      At malalaman mo na ako si Jehova;

      Ang mga umaasa sa akin ay hindi mapapahiya.”+

  • Isaias 60:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Ang mga anak ng mga nagpahirap sa iyo ay darating at yuyukod sa iyo;

      Ang lahat ng lumalapastangan sa iyo ay susubsob sa paanan mo,

      At tatawagin ka nilang lunsod ni Jehova,

      Ang Sion ng Banal ng Israel.+

  • Isaias 61:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 “Darating ang mga tagaibang bayan at papastulan nila ang mga kawan ninyo,

      At ang mga dayuhan+ ay magiging mga magsasaka ninyo at tagapag-alaga ng ubasan.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share