-
Isaias 44:16, 17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Ang kalahati nito ay sinusunog niya sa apoy;
Ginagamit niya iyon para mag-ihaw ng karneng kakainin niya, at nabubusog siya.
Nagpapainit din siya at sinasabi niya:
“Ang sarap ng init ng apoy!”
17 Pero ang natira doon ay ginagawa niyang isang diyos, isang inukit na imahen.
Niyuyukuran niya iyon at sinasamba.
Nananalangin siya roon:
“Iligtas mo ako, dahil ikaw ang diyos ko.”+
-