Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 40:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  9 Umakyat ka sa mataas na bundok,

      Ikaw na babaeng nagdadala ng magandang balita para sa Sion.+

      Lakasan mo ang iyong tinig,

      Ikaw na babaeng nagdadala ng magandang balita para sa Jerusalem.

      Ilakas mo, huwag kang matakot.

      Ibalita mo sa mga lunsod ng Juda: “Narito ang inyong Diyos.”+

  • Nahum 1:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Nasa kabundukan ang mga paa ng nagdadala ng mabuting balita,

      Ng naghahayag ng kapayapaan.+

      Ipagdiwang mo ang iyong mga kapistahan,+ O Juda, tuparin mo ang iyong mga panata,

      Dahil ang walang kabuluhan ay hindi na muling dadaan sa iyo.

      Lubusan siyang lilipulin.”

  • Gawa 8:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Pero inihayag ng nangalat na mga alagad ang mabuting balita ng salita ng Diyos sa buong lupain.+

  • Roma 10:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Paano naman sila mangangaral kung hindi sila isinugo?+ Gaya ng nasusulat: “Napakaganda ng mga paa ng mga naghahayag ng mabuting balita ng mabubuting bagay!”+

  • Efeso 6:14, 15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Kaya tumayo kayong matatag, na suot ang sinturon ng katotohanan+ at ang baluti ng katuwiran+ 15 at suot sa inyong mga paa ang sandalyas ng mabuting balita ng kapayapaan, na handa ninyong ihayag.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share