Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 93:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 93 Si Jehova ay naging Hari!+

      Nadaramtan siya ng karilagan;

      Si Jehova ay nadaramtan ng lakas;

      Suot niya ito na gaya ng sinturon.

      Matibay ang pagkakagawa sa lupa;*

      Hindi ito magagalaw.*

  • Isaias 33:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Dahil si Jehova ang ating Hukom,+

      Si Jehova ang ating Tagapagbigay-Batas,+

      Si Jehova ang ating Hari;+

      Siya ang magliligtas sa atin.+

  • Mikas 4:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  7 May ititira ako mula sa bayang iika-ika,+

      At ang dinala sa malayo ay gagawin kong malakas na bansa;+

      At si Jehova ay mamamahala sa kanila sa Bundok Sion bilang hari,

      Ngayon at magpakailanman.

  • Mateo 24:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 At ang mabuting balitang ito tungkol sa Kaharian ay ipangangaral sa buong lupa para marinig ng* lahat ng bansa,+ at pagkatapos ay darating ang wakas.

  • Apocalipsis 11:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Hinipan ng ikapitong anghel ang trumpeta niya.+ At may malalakas na tinig sa langit na nagsasabi: “Ang kaharian ng sanlibutan ay naging Kaharian ng ating Panginoon+ at ng kaniyang Kristo,+ at maghahari siya magpakailanman.”+

  • Apocalipsis 11:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 at nagsabi: “Pinasasalamatan ka namin, Diyos na Jehova, ang Makapangyarihan-sa-Lahat, ang kasalukuyan+ at ang nakaraan, dahil kinuha mo na ang iyong dakilang kapangyarihan at nagsimula ka nang maghari.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share