Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 48:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Lumabas kayo mula sa Babilonya!+

      Tumakas kayo mula sa mga Caldeo!

      Ihayag ninyo iyon nang may hiyaw ng kagalakan! Ibalita ninyo iyon!+

      Ihayag ninyo iyon hanggang sa mga dulo ng lupa.+

      Sabihin ninyo: “Tinubos ni Jehova ang lingkod niyang si Jacob.+

  • Jeremias 50:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  8 “Tumakas kayo mula sa Babilonya,

      Umalis kayo sa lupain ng mga Caldeo,+

      At maging gaya kayo ng mga hayop na nangunguna sa kawan.

  • Jeremias 51:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 Tumakas kayo mula sa Babilonya,

      At iligtas ninyo ang buhay ninyo.+

      Huwag ninyong hayaang mamatay kayo dahil sa kasalanan niya.

      Dahil panahon ito ng paghihiganti ni Jehova.

      Pagbabayarin Niya siya sa ginawa niya.+

  • Zacarias 2:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 “Halikayo! Halikayo! Tumakas kayo mula sa lupain ng hilaga,”+ ang sabi ni Jehova.

      “Dahil pinangalat ko kayo sa lahat ng direksiyon,”*+ ang sabi ni Jehova.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share