-
Mateo 27:12-14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 Pero nang inaakusahan siya ng mga punong saserdote at matatandang lalaki, hindi siya kumibo.+ 13 Pagkatapos, sinabi ni Pilato: “Hindi mo ba naririnig kung gaano karami ang ipinaparatang nila sa iyo?” 14 Pero wala siyang isinagot sa kaniya, wala, kahit isang salita, kaya takang-taka ang gobernador.
-
-
Gawa 8:32, 33Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
32 Ito ang bahagi ng Kasulatan na binabasa niya: “Gaya ng isang tupa, dinala siya sa katayan, at gaya ng isang kordero* na tahimik sa harap ng manggugupit nito, hindi niya ibinuka ang bibig niya.+ 33 Noong ipinapahiya siya, ipinagkait sa kaniya ang katarungan.+ Sino ang maglalahad ng mga detalye ng pinagmulan niya? Dahil ang buhay niya ay inalis sa lupa.”*+
-