-
Isaias 66:7, 8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 Bago pa humilab ang tiyan niya ay nagsilang na siya.+
Bago pa niya maranasan ang kirot ng panganganak ay isinilang na niya ang isang batang lalaki.
8 Sino na ang nakarinig ng ganitong bagay?
Sino na ang nakakita ng ganitong mga bagay?
Maisisilang ba ang isang lupain sa isang araw?
O maisisilang ba ang isang bansa sa isang iglap?
Pero nang sandaling humilab ang tiyan ng Sion ay isinilang niya ang mga anak niyang lalaki.
-