Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 56:6, 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 Kung tungkol sa mga dayuhan na pumanig kay Jehova para sumamba sa kaniya,

      Para ibigin ang pangalan ni Jehova+

      At maging mga lingkod niya,

      Lahat ng nangingilin ng Sabbath at hindi lumalapastangan dito

      At nanghahawakan sa aking tipan,

       7 Dadalhin ko rin sila sa aking banal na bundok,+

      At magsasaya sila sa loob ng aking bahay-panalanginan.

      Ang kanilang mga buong handog na sinusunog at ang kanilang mga hain ay tatanggapin sa altar ko.

      Dahil ang bahay ko ay tatawaging bahay-panalanginan para sa lahat ng bayan.”+

  • Isaias 66:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Dadalhin nila ang lahat ng kapatid ninyo mula sa lahat ng bansa+ bilang kaloob kay Jehova, sakay ng mga kabayo, mga karwahe, may-takip na mga karwahe, mga mula,* at ng matutuling kamelyo, papunta sa aking banal na bundok, ang Jerusalem,” ang sabi ni Jehova, “gaya ng pagdadala ng bayang Israel sa bahay ni Jehova ng kanilang mga kaloob na nasa isang malinis na sisidlan.”

  • Ezekiel 20:40
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 40 “‘Dahil sa aking banal na bundok, sa mataas na bundok ng Israel,+ maglilingkod sa akin ang buong sambahayan ng Israel, silang lahat,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova. ‘Doon, malulugod ako sa kanila, at hihingin ko ang inyong abuloy at mga unang bunga ng inyong mga handog, ang lahat ng inyong banal na bagay.+

  • Joel 3:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 At malalaman ninyo na ako ang Diyos ninyong si Jehova, na naninirahan sa Sion, ang aking banal na bundok.+

      Ang Jerusalem ay magiging isang banal na lugar,+

      At hindi na siya dadaanan ng mga estranghero.*+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share