Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 5:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  7 Ang ubasan ni Jehova ng mga hukbo ay ang sambahayan ng Israel;+

      Ang mga taga-Juda ang taniman na kinagiliwan niya.

      Patuloy siyang umasa ng katarungan,+

      Pero kawalang-katarungan ang naroon;

      Ng katuwiran,

      Pero pagdaing ang maririnig doon.”+

  • Isaias 59:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Naglaho ang katotohanan,*+

      At ang sinumang tumatalikod sa kasamaan ay sinasamsaman.

      Nakita ito ni Jehova at nagalit siya,*

      Dahil walang katarungan.+

  • Jeremias 5:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Lumibot kayo sa mga lansangan ng Jerusalem.

      Magmasid kayo at magbigay-pansin.

      Suyurin ninyo ang kaniyang mga liwasan* at tingnan ninyo

      Kung may makikita kayong taong makatarungan+

      At nagsisikap maging tapat,

      At patatawarin ko ang lunsod na ito.

  • Amos 6:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Tumatakbo ba ang mga kabayo sa ibabaw ng malaking bato,

      O may mag-aararo ba roon sa pamamagitan ng mga baka?

      Dahil ang katarungan ay ginawa ninyong nakalalasong halaman,

      At ang bunga ng katuwiran ay ginawa ninyong ahenho.*+

  • Habakuk 1:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  4 Kaya ang kautusan ay nawawalan ng saysay,

      At ang katarungan ay hindi nailalapat.

      Pinapalibutan ng masasama ang mga matuwid;

      Kaya ang katarungan ay napipilipit.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share