Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 2:3, 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  3 At maraming bayan ang magpupunta roon at magsasabi:

      “Halikayo, umakyat tayo sa bundok ni Jehova,

      Sa bahay ng Diyos ni Jacob.+

      Tuturuan niya tayo tungkol sa kaniyang mga daan,

      At lalakad tayo sa kaniyang mga landas.”+

      Dahil ang kautusan* ay lalabas mula sa Sion,

      At ang salita ni Jehova mula sa Jerusalem.+

       4 Siya ay hahatol sa mga bansa

      At magtutuwid ng mga bagay-bagay may kinalaman sa maraming bayan.

      Pupukpukin nila ang kanilang mga espada para gawin itong araro*

      At ang kanilang mga sibat para gawin itong karit.+

      Walang bansa na magtataas ng espada laban sa ibang bansa,

      At hindi na rin sila mag-aaral ng pakikipagdigma.+

  • Isaias 11:6-9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 Ang lobo* ay magpapahingang kasama ng kordero,*+

      Ang leopardo ay hihigang kasama ng batang kambing,

      At ang guya* at ang leon at ang pinatabang hayop ay magsasama-sama;*+

      At isang munting bata ang aakay sa kanila.

       7 Ang baka at ang oso ay magkasamang manginginain;

      At ang mga anak ng mga ito ay hihigang magkakasama.

      Ang leon ay kakain ng dayami gaya ng toro.+

       8 Ang batang pasusuhin ay maglalaro sa may lungga ng kobra;

      At ang batang inawat sa pagsuso ay maglalagay ng kamay niya sa lungga ng makamandag na ahas.

       9 Hindi sila mananakit+

      O maninira sa aking buong banal na bundok,+

      Dahil ang lupa ay tiyak na mapupuno ng kaalaman tungkol kay Jehova

      Gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.+

  • Mikas 4:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  2 At maraming bansa ang magpupunta roon at magsasabi:

      “Halikayo, umakyat tayo sa bundok ni Jehova

      At sa bahay ng Diyos ni Jacob.+

      Tuturuan niya tayo tungkol sa kaniyang mga daan,

      At lalakad tayo sa kaniyang mga landas.”

      Dahil ang kautusan* ay lalabas mula sa Sion,

      At ang salita ni Jehova mula sa Jerusalem.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share