Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 65:13, 14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang* Panginoong Jehova:

      “Ang mga lingkod ko ay kakain, pero kayo ay magugutom.+

      Ang mga lingkod ko ay iinom,+ pero kayo ay mauuhaw.

      Ang mga lingkod ko ay magsasaya,+ pero kayo ay mapapahiya.+

      14 Ang mga lingkod ko ay hihiyaw sa kagalakan dahil sa mabuting kalagayan ng puso,

      Pero kayo ay daraing dahil sa kirot ng puso

      At hahagulgol dahil sa pamimighati.*

  • Jeremias 17:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 O Jehova, ang pag-asa ng Israel,

      Lahat ng umiiwan sa iyo ay mapapahiya.

      Ang mga nag-aapostata sa iyo* ay mapapasulat sa alabok,+

      Dahil iniwan nila si Jehova, ang bukal ng tubig na nagbibigay-buhay.+

  • Jeremias 17:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Mapahiya nawa ang mga umuusig sa akin,+

      Pero huwag mo sanang hayaang mapahiya ako.

      Matakot nawa sila,

      Pero huwag mo sanang hayaang matakot ako.

      Pasapitin mo sa kanila ang araw ng kapahamakan,+

      At durugin mo sila at lubusang puksain.*

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share