Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 4:13-16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At pagkaalis niya sa Nazaret, pumunta siya at nanirahan sa Capernaum+ sa tabi ng lawa sa mga distrito ng Zebulon at Neptali, 14 para matupad ang sinabi ng Diyos sa pamamagitan ng propetang si Isaias: 15 “O lupain ng Zebulon at lupain ng Neptali, sa daang patungo sa dagat,* sa kabilang ibayo ng Jordan, sa Galilea ng mga banyaga! 16 Ang bayang nasa kadiliman ay nakakita ng matinding liwanag, at ang mga nasa lupaing natatakpan ng anino ng kamatayan ay sinikatan ng liwanag.”+

  • Lucas 1:78, 79
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 78 dahil sa matinding habag ng ating Diyos. Ang habag na ito mula sa langit ay magiging tulad ng liwanag na sumisinag sa bukang-liwayway, 79 para magbigay ng liwanag sa mga nasa kadiliman at nasa ilalim ng anino ng kamatayan+ at para patnubayan ang ating mga paa tungo sa daan ng kapayapaan.”

  • Lucas 2:30-32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 dahil nakita ko na ang isa na magdadala ng kaligtasan+ 31 na isinugo mo para makita ng lahat ng bansa,+ 32 isang liwanag+ na mag-aalis ng talukbong mula sa mga bansa+ at isang kaluwalhatian sa iyong bayang Israel.”

  • Juan 1:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Ang tunay na liwanag na nagbibigay ng liwanag sa bawat uri ng tao ay paparating na sa sangkatauhan.*+

  • Juan 8:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 12 Pagkatapos, muling kinausap ni Jesus ang mga tao at sinabi: “Ako ang liwanag ng sangkatauhan.*+ Ang sinumang sumusunod sa akin ay hindi na lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng liwanag+ ng buhay.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share