Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Cronica 32:21, 22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Pagkatapos, nagsugo si Jehova ng isang anghel at nilipol ang lahat ng malalakas na mandirigma,+ lider, at pinuno sa kampo ng hari ng Asirya, kaya bumalik ang hari sa sarili niyang lupain na punô ng kahihiyan. Nang maglaon, pumasok siya sa bahay* ng kaniyang diyos, at pinatay siya roon ng ilan sa mga anak niya sa pamamagitan ng espada.+ 22 Gayon iniligtas ni Jehova si Hezekias at ang mga taga-Jerusalem mula sa kamay ni Haring Senakerib ng Asirya at mula sa kamay ng lahat ng iba pa, at binigyan niya sila ng kapahingahan sa buong lupain.

  • Isaias 30:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 Dahil masisindak ang Asirya sa tinig ni Jehova;+

      Hahampasin niya iyon ng pamalo.+

  • Isaias 31:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  8 At ang Asiryano ay mabubuwal sa espada, na hindi sa tao;

      At isang espada, na hindi sa tao, ang lalamon sa kaniya.+

      Tatakas siya dahil sa espada,

      At ang mga kalalakihan niya ay gagamitin sa puwersahang pagtatrabaho.

  • Isaias 37:36, 37
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 36 At pinatay ng anghel ni Jehova ang 185,000 sundalo sa kampo ng mga Asiryano. Paggising ng mga tao kinaumagahan, nakita nila ang lahat ng bangkay.+ 37 Kaya si Haring Senakerib ng Asirya ay umalis at bumalik sa Nineve+ at nanatili roon.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share