Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 45:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 Ang Diyos ang trono mo magpakailanman;+

      Ang setro ng iyong kaharian ay setro ng katuwiran.*+

  • Awit 72:1, 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 72 O Diyos, ibigay mo sa hari ang iyong mga kahatulan,

      At ituro mo ang iyong katuwiran sa anak ng hari.+

       2 Ipaglaban niya nawa ang usapin ng bayan mo ayon sa katuwiran,

      At ng mga dukha sa bayan mo ayon sa katarungan.+

  • Isaias 9:6, 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 Dahil isang bata ang ipinanganak sa atin,+

      Isang anak na lalaki ang ibinigay sa atin;

      At ang pamamahala* ay iaatang sa balikat niya.+

      Siya ay tatawaging Kamangha-manghang Tagapayo,+ Makapangyarihang Diyos,+ Walang-Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.

       7 Ang paglawak ng pamamahala* niya

      At ang kapayapaan ay hindi magwawakas+

      Sa trono ni David+ at sa kaniyang kaharian

      Para itatag ito nang matibay+ at panatilihin

      Sa pamamagitan ng katarungan+ at katuwiran,+

      Ngayon at magpakailanman.

      Mangyayari ito dahil sa sigasig ni Jehova ng mga hukbo.

  • Isaias 32:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 Isang hari+ ang mamumuno para sa katuwiran,+

      At may mga prinsipeng mamamahala para sa katarungan.

  • Jeremias 23:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 “Darating ang panahon,” ang sabi ni Jehova, “na magpapasibol ako mula kay David ng isang matuwid na sibol.*+ At isang hari ang mamamahala+ nang may unawa at magtataguyod ng katarungan at katuwiran sa lupain.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share